TEAM Y' COMPETENCE - Motorcycle Riders Club
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.


TEAM Y' COMPETENCE is an Organization of Motorcycle Club in Mindanao.The 0rganization Head Office is in Davao City
 
HomeLatest imagesRegisterLog in

 

 INFRACTION, FORUM, at IKAW ... OO IKAW !

Go down 
AuthorMessage
GSMkilla
Site Owner
Site Owner
GSMkilla


Posts : 15
Join date : 2010-06-04
Age : 43
Location : Agdao, Davao City

INFRACTION, FORUM, at IKAW ... OO IKAW ! Empty
PostSubject: INFRACTION, FORUM, at IKAW ... OO IKAW !   INFRACTION, FORUM, at IKAW ... OO IKAW ! Icon_minitimeSat Jun 05, 2010 5:17 am

Ano po ba ang INFRACTION? Ano ang talagang kahulugan nito? Ano ang gamit nito sa forum at ano ang epekto nito sa isang member?

Webster Dictionary defines INFRACTION as excusable misdemeanor, or minor violation usually punished with a fine or penalty.

So kung isasalin po natin ito sa ating salita, sinasabi dito na ang
infraction ay mga maling gawa na pueding ituwid sa pamamagitan ng
pagbibigay ng karampatan o kaukulang parusa.

Ang pagbibigay ng infraction ay isang gawain na pinapatupad ng pamunuan
ng GSMSandwich sa kasalukuyan. Dahil dito marapat lamang na
maipaliwanag at maintindihan ng bawat miembro nito.

Marahil isa sa inyo ay nakakuha na ng ganitong communication mula sa isa sa ating mga forum leaders.

DONT PANIC ! We will discuss all these things to you. INFRACTION, FORUM, at IKAW ... OO IKAW ! Yahoo3

Maraming klase ang level ng infraction.

At ang bawat infraction ay may kaukulang puntos depende sa degree ng nagawang offense ng isang member.

Ang sumusunod na larawan ay Table of Violations kung saan kayo pueding mapatawan ng infraction.

Marapatin po ninyong ipaliwanag ko ang bawat isa upang lalo ninyo itong maunawaan.


Ok ... let's discuss these things one by one.

ABUSING EMOTICONS:
Eto po ay mga posts na tadtad ng mga unnecessary SMILIES.
Hindi naman ipinagbabawal ang pag gamit ng smilies pero dapat ay nasa
tamang dami. A single smiley can show what you’re trying to say. Puedi
namang isa lang bakit kailangang ulit ulitin pa? INFRACTION, FORUM, at IKAW ... OO IKAW ! Yahoo13

Isang infraction bawat post ang pueding ibigay sa yo dito.
ABUSING NEON COLOR FONTS:
Eto naman ay para sa isang buong posts na ginamitan ng
matingkad, bold at over-sized fonts. Puedi ang gumamit ng ganitong
klaseng font color and style para lang ma emphasize mo ang isang punto.
Pero hindi ito dapat gamitin sa kabuoan ng post mo.

Isang infraction bawat post ang pueding ibigay sa yo dito.
INAPPROPRIATE LANGUAGE:
Para naman ito sa mga miembrong pikon at nag umpisa ng
isang maaanghang na salita. Pumapasok din dito ang ang mga nakaka
insultong salita.

Isang infraction bawat post ang pueding ibigay sa yo dito.
MISLEADING POST:
Etong violation na ito ay para naman sa mga miembro na
nagbigay ng maling suhestyon na ikinahamak ng iba. Pumapasok din dito
ang pagbibigay ng maling impormasyon maliban na lamang kung ito ay
nakalagay sa Chicka Minute o Kuentong Barbero.

Isang infraction bawat post ang pueding ibigay sa yo dito.
OFF TOPIC POST:
Ang violation na ito ay para sa mga post na walang
kinalaman sa tema ng usapan. Yung tipong ang pinag uusapan ay mangga
pero ang sinagot sa post ay may patungkol sa sapatos.
POSTING CRACKED SOFTWARES:
Nag decide na po dito si Admin Waps na pagbigyan ang lahat
kahit na ito ay makakasagasa sa kanyang negosyo. Alinsunod dito,
nagbukas na po ang ating forum ng separate section patungkol sa usapin
ng Cracked Softwares at Cracked Related Posts. Ang may access lang po
sa section na ito ay mga VIP and the likes. Marapat lamang po na ilagay
natin ang mga ganitong klase ng posts sa designated na section.

For regular members who violated this rule, for first offense, warning
will be given and post will be moved to the Recycle Bin. For suceeding
offenses, violators will start recieving infraction point.

For VIP members and the likes, for first offense, infraction will be
given and post will be moved to the designated section. For succeeding
offenses, violators will be downgraded as regular member or worst be
downgraded forever.
SIGNATURE RULE VIOLATION:
Eto naman ay para sa mga naglalakihang fonts at pictures sa
mga signatures. Kayo ay bibigyan ng PM para alisin ang signature at
isang infraction. Ang member ay bibigyan ng ilang araw para tanggalin
ang naturang signature, ang patuloy na pagbabalewala ay hindi
makakabuti dahil baka maging mitsa ito ng mas malaking kaparusahan.
SPAMMED ADVERTISEMENTS:
Para naman ito sa mga posts na nag bebenta ng kahit anong
gamit na wala sa Sales Section. Alam natin na ang sales section ay
moderated section at kailangan ng approval ng nakatataas.

Kasama rin dito ang mga image na may advertisement ng ibang local forums at redirect LINK to other local forums.

Isang infraction bawat post ang pueding ibigay sa yo dito.
THANK YOU POST:
Madaming miembro ito dito, mga Thank You Boys at Nice Info Boys. Eto ay mga klase ng posts katulad ng “Congrats Boss”, “Galeng mo Boss”, Nice Info Boss”, “Nice Sharing Boss” “Bigatin ka Boss”, “YM mo ako Boss” "dagdag kaalaman boss"
etcs. etcs. Binibigyan muna ng warning ang mga new members pero ang
lahat ng VIP members pataas ay automatic na binigbigyan kagad ng
infraction.
TM RULES VIOLATION:
Eto yung mga post na may kahalong nudity / obscene photos.
Eto yung dating instant downgrade noong meron pa tayong TM Section,
ngayon 1 point infraction na lang ang equivalent since wala na talaga
tayong TM section.
1 MONTH DOWNGRADE:
Ang downgrading ng status ay tumatagal lamang ng isang
buwan. Pagkatapos ng period na ito automatic na babalik kayo sa dati
nyong status. Ang pagpataw ng parusang ito ay binibigay depende sa
antas ng violations na iyong nagawa.
DOWNGRADE FOREVER:
Ang downgrade forever never expires. Wala itong expiration.
Ang pagpataw ng parusang ito ay binibigay depende sa antas ng
violations na iyong nagawa.
DISRESPECT MODERATOR:
INFRACTION, FORUM, at IKAW ... OO IKAW ! Pixel1
Ibigay nyo ang respeto sa bawat miembro ng Forum. Respect
others so that others will respect you in return. Pero wag na wag nyong
babastusin ang mga moderators na ang tanging layunin lang ay mapaganda
ang ating forum. Kung merong pagmamalabis ang ating mga moderators …
puedi kayong mag PM sa mga nakakataas upang mabigyan ng kauukulang
pansin ang hindi pagkakaintindihan.

The least penalty you can get is 1 Month Ban or more depende sa degree ng offense.
DISRESPECT ADMINISTRATOR:
NAKUPO .. Eto ang WAG na WAG mong gagawin kaibigan. You
might DISAPPEAR in an INSTANT. Magbiro na kayo sa lasing wag lang sa
Admin na bagong gising. INFRACTION, FORUM, at IKAW ... OO IKAW ! Yahoo10
Quote:


Ang pagbibigay ng infraction ay ISA
sa bawat violation. Sa VIP at regular members binibigyan kayo ng
palugit na hanggang 10 violations. Ang infraction ay nag a accumulate
from 1 to 10 points. Ang bawat infraction ay tumatagal ng hanggang anim
na buwan.

Ibig sabihin kung makakaipon kayo ng 10 vioaltions within six months ay talagang isa kayong DAKILANG PASAWAY. Kaya kung nakaipon kayo ng sapat na bilang ng violations ay puedi kayong ma demote at worst ay ma ban sa forum.



Quote:


For Members with 10 infraction points = BAN for 1 Month
For VIP Members with 10 infraction points = Demoted for 1 Month
For VIP Members with 12 infraction points = Ban for 1 Month


ANG INFRACTION PO AY ISANG GABAY PARA SA ISANG MATUWID NA PAG PO FORUM.

WAG PONG PAKA DIBDIDIN (may likod pa naman INFRACTION, FORUM, at IKAW ... OO IKAW ! Yahoo70) kung kayo ay nakatanggap ng ganitong communication.

Matagal po ang pasensya (biruin nyong binibigyan pa kayo hanggang 10 ulit na pagpapa sawayINFRACTION, FORUM, at IKAW ... OO IKAW ! Yahoo10)
ng ating pamunuan. Wag po kayong sumama ang loob o magtanim ng galit
kaninuman. Wala pong ibang sisisihin dyn kung hindi ang inyong sarili.

Wag ng magmatigas o mag angas angasan pa. Walang buting idudulot ito sa inyo.

NAWA’Y MAGTULUNGAN NA LANG TAYONG LALO SA IKAKA GANDA NG ATING FORUM AT MAGSAMA-SAMA PA TAYO NG MATAGAL.

SABI NGA NI KAIBIGANG FPJ …… INFRACTION, FORUM, at IKAW ... OO IKAW ! Yahoo70

IBA ANG MAY PINAGSAMAHAN !

AYUS ! INFRACTION, FORUM, at IKAW ... OO IKAW ! Sign26
Back to top Go down
https://teamycompetence.forumotion.com
 
INFRACTION, FORUM, at IKAW ... OO IKAW !
Back to top 
Page 1 of 1

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
TEAM Y' COMPETENCE - Motorcycle Riders Club :: Introduction & Support :: Announcements-
Jump to: